Continue to Netlog

more seconds

showbizstyle

male - 23 years, Philippines
124 visitors

Blog 22

All about the showbiz news


  • Korea-bound Filipina actress drops from original local film

    [center][/center]
    Korea-bound Filipina actress drops from original local film due to confusing sked

    Outline Digital Films has dropped Korea-bound Filipina actress Mercedes Cabral from the cast its soon-to-be-shot digital film “Latak,” a foray into a drug addict withdrawal because of conflicts in schedule.
    Mercedes was personally chosen by Cannes Film Festival Grand Prix winner Park Chan-wook to play the important lead role in his current film, “Thirst.” She’s expected to shoot in Korea April which is also the timetable for her Philippine movie assignment.
    Initially, director Jowee Morel, who got Mercedes to star in his project ahead of Park, even helped the actress’ manager arrange for her smooth scheduling. He even advised her handler to squeeze in “Latak” sked independent of the Korean production. According to Jowee, Mercedes’ manager could talk straightforwardly with Park about an advance timeframe shoot because he was already calling the shots of the actress’s participation in the Korean film. Unfortunately, Mercedes’ manager didn’t make an effort to adjust Cabral’s sked in relation to Morel’s production, the director lamented.
    “I was informed Park is very open to suggestions about Mercedes’ schedule. He was even lax about ‘Latak’ sked. He could sacrifice his timetable for us. The problem is her manager wouldn’t lift his finger. We gave Mercedes’ sked ahead of time but still her manager got all of them mixed up. All her time are given to Korea. Now, my final sked is screwed so we had to replace her,” Morel exclaimed finally breaking his silence.
    “It’s unfortunate that we had to do this. I love Mercedes so much. She’s a fantastic actress. I believe in her. But I can’t sacrifice the quality of my film,” said the “Latak” director who became controversial when his first feature film, “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” was classified X by the Movie and Television Review and Classification Board. Jowee also directed “Mona Singapore Escort,” a movie about prostitution of Filipinas in Singapore starred in by Iza Calzado and a gay docu-drama, “When A Gay Man Loves.”
    Mercedes was supposed to still undergo acting workshop and rehearsals in-between her Korean adventure before she would face the cameras for “Latak” but all these had to forego because of topsy-turvy schedule. “We are only a simple production so we have to be very meticulous about our pre-prod and rehearsals are very important. How can Mercedes rehearse her part as per our agreement prior to our contract signing when she’s in Korea?” asked Morel.
    Mercedes is also doing a Brillante Mendoza opus, “Serbis” which is on-going in Pampanga.

  • Yes, Barbara Perez and Robert Arevalo have a son…finally


    Old timers in the local movies might have known Barbara Perez and Robert Arevalo to have only two children, both females, nothing more, nothing less. After all, they were made to believe Anna and Gina Ylagan are the only kids of the well-loved couple in the biz.
    But they’re missing the other one—a son and looks like Robert Arevalo when he was young.
    Yes, Barbara and Robert have a son—a twenty one year old who’s lured into the movies—Christian Ylagan.
    “Since birth I was already with Mama and Papa,” said Christian referring to Barang and Robert. “I practically grew up with them,” the good-looking newcomer emphasized.
    As a matter of fact, when Christian was introduced to me recently, I was surprised Bamba and Robert have a son. I thought he was bore out of wedlock, a case very usual to show biz. Could he be Robert’ son from a previous liaison, a thing very likely considering he was and still is a charming gentleman?
    ***
    To set the record straight, Christian is really Robert and Barbara’s son, err foster son.
    “I consider Christian our real son, not only as foster son,” the venerable Arevalo clarified.
    “He’s a real blood nephew who was with us the day he was born,” he added.
    Since then, Barbara and Robert’s world was never the same again when his younger sister Diane left Christian with them before she went to the US. It was a dream come true for one of the strongest and firmest show biz couples to really have another child, most importantly, a boy.
    No hang-ups on Christian about the set up. “There wasn’t a bitter memory. I was told the truth so I led a normal life,” Christian admitted.
    Besides, he was treated well by the Arevalos.
    His real father according to him is a non-showbiz guy but they haven’t met until today because the man’s got a heart disease and might worsen the situation when he would confront him.
    ***
    Christian is a UP Fine Arts student and dabbles on acting and technical skills on the side. He’s on the job training at the Roadrunner, a post-production film lab and he’s slated to appear in an ambitious project by director Jowee Morel of “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Mona Singapore Escort” and “When A Gay Man Loves” fame. “Christian plays a very challenging role in ‘Latak,’ a story about drug withdrawal,” said Jowee.
    “I would want him to make it on his own,” opined Robert. “It’s easy to bring him to Mr. M or to Charo (Santos) but I would want him to experience the hardships in the business as well.”

  • Romano Vasquez, bugbog-sarado sa teammate ng basketbal


    Romano Vasquez, bugbog-sarado sa teammate ng basketball sa kanilang subdibisyon

    ANG disin sana’y diwa ng pagkakabuklod at teamwork ay naglahong parang bula nang magsalpukan ang magkakoponan sa basketball sa R Medina Homes sa San Dionisio Parañaque City kamakailan.
    Parehong miyembro ng Knights basketball team sina Romano Vasquez at Raymond Villareal nang manalo sila sa unang laro sa kabubukas sa liga sa kanilang subdibisyon noong Sabado.
    At dahil nagwagi ang kanilang grupo ay nagpainom ang manager sa tapat ng kanilang bahay sa Gold Street sa village na ‘yon.
    Nagkatuwaan, nagkantahan at nagkantiyawan ang mga kasama sa laro.
    Lumipas ang mga sandali at wala namang nangyayaring gulo pero pagkalipas ng hatinggabi ay nabulabog ang lahat ng magpambuno na sina Romano at Raymond sa may kanal na semento ng pinag-iinuman nila.
    ***
    Nalaman ng pitak na ito ang balita sa direktor ng “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Mona Singapore Escort” ni Iza Calzado at “When A Gay Man Loves” na si Jowee Morel na naaksidente si Vasquez at nasa Room 131 ng Medical Center Parañaque sa Parañaque City.
    Nang datnan namin si Romano sa ward na ‘yon ay anim ang kama at puno ang mga ito ng mga pasyente. Nasa may dulo ng silid si Romano. Tulog na siya at ang kanyang asawang si Alma Pañuelo Dila.
    Sa tunay na buhay si Romano ay si Romanito Romano Dila y Anacan.
    Sinabi ni Romano na bigla na lang siyang kinublit ni Raymond at inupakan sa kanyang mukha. Sunud-sunod ani Vasquez ang pagtira sa kanya ng kalaro sa basketball. “Parang may bakal ang kanyang mga kamay sa tindi ng tama sa akin. Hindi ako makalaban. Subsob agad ako sa lupa. Umawat na ang misis ko kaya marami rin siyang sugat at pasa,” kuwento ni Romano na nangangatal pa ang tinig dahil sa sakit ng kanyang katawan.
    ***
    Wala naman ani Romano siyang nalalaman na pinagkagalitan nila ni Raymond. Sa katunayan anya ay magkaibigan sila. “May pikunan paminsan-minsan pero naso-solve agad. Nagkakainitan kami sa pagtatalo pero nalulutas naman agad,” wika ni Vasquez.
    Kaya nagtaka siya dahil wala namang kadahi-dahilan ay inupakan siya ng mga suntok ni Villareal.
    “Para siyang sira-ulo na wala naman kaming pinag-aawayan,” pahayag ng aktor.
    ***
    Inoperahan na si Romano kamakalawa dahil nabasag ang kanyang panga. Pinagdugtong ito sa pamamagitan ng titanium. Pero ang sabi niya ay nangangailangan pa siya ng P100,000,00 para pambayad sa ospital.
    Kaya nga nais niyang ipareset ang shooting ng “Latak” ni Jowee para sa Outline Digital Films dahil magpapagaling muna siya. Kasama rin siya sa “Daisy Siete” sa GMA Network pero kailangan muna niyang maghintay ng anim na buwan para maibalik ang kanyang normal na katawan at mobilisasyon.

  • Bidang babae ni Direk Jowee Morel, artista ni Brillante


    NANANABIK si direktor Jowee Morel sa karera ng bagong aktres na si Mercedes Cabral.
    Si Marcedes ang siyang iprinoklamang Best Supporting Actress para sa 2007 UP Inbox TV and Radio festival para sa pelikulang “Bitin” ng A Good Vibes Productions.
    At alam ba ninyo na si Mel Estonilo, yes, si Mel Estonilo, ang dating isa sa mga manager ng DWIZ ang siyang Executive Producer ng pelikula.
    Mahusay si Mel sa broadcast kaya lang ay napakaraming pulitika sa larangang ito kaya siya ay nasa akademya ngayon.
    At si Mercedes ang isa sa mga itinataguyod ni Estonilo.
    Bida si Mercedes sa “Latak” ni Jowee na gagawin ng Outline Digital Films sa Abril.
    Sa katunayan, pumirma na sa kontrata sa Outline si Cabral kasama ang kanyang talent manager na si Rey Raña at ang iba pang talento niya kabilang sina Sharla O’Hara, Nik Belmonte, Dana Sarigumba, Brew Bondoc, Christian Ylagan at Mark Jacob.
    Kasama rin si Mercedes sa “Baliw” na ipinalabas sa indiesie sa Robinsons kamakailan pero ayon sa mga booker, hindi masyadong kumita ang obra pero umaasa silang babawi ito sa mga susnod na araw.
    ***
    At alam ba ninyo na hindi nagdalawang-isip si Brillante Mendoza na kunin din ang serbisyo ni Mercedes para sa “Servando,” ang ambisyosong proyekto ni Brillante para sa Centerstage Productions?
    Si Mercedes ang gaganap na kasintahan ni Coco Martin para sa pelikula na pinondohan din ng Pusan International Film Festival at ng Film Development Council of the Philippines.
    Nananabik na si Cabral dahil makakaeksena niya ang mga bating na sina Gina Pareño at Cherry Pie Picache.
    “Para pong mauupos akong kandila sa pagkaalam na sina Cherry Pie at Gina ang makakasama ko sa pelikula,” pahayag ni Mercedes.
    Pati si Morel ay hindi maipaliwanag ang kanyang nadarama sa ganda ng pagkakataon na nakakamtan ni Cabral.
    “Imagine, ang idol ko, si Brillante Mendoza, kinuha rin si Mercedes. Ibang klase talaga ang babaing ‘yan,” pahayag ni Jowee.
    ***
    Samantala, makakasama rin ni Mercedes sina Dan Alvaro at Kristofer King sa “Servando.”
    Nanginginig na nga sa takot si Cabral pero bale-wala sa kanya kung makipaglamunan siya sa eksena kina Picache, Martin, King, Avaro at Pareño.
    May mga armas naman siya kabilang ang kanyang magandang sanligan sa teatro sa UP.
    Fine Arts ang kinuha ni Mercedes sa UP kaya naman siya ay maganda ang pananaw sa buhay.

  • Morel at Mendoza,pagsasaluhan ang UP Best Supporting Actress


    HINDI makapaniwala si Jowee Morel na ang kanyang idolo na si Brillante Mendoza ay intresado rin baguhang aktres na si Mercedes Cabral.
    Si Jowee na beterano ng tatlong pelikula—ang “Mga Paru-Parong Rosas,” “Mona Singapore Escort” ni Iza Calzado at “When A Gay Man Loves” ni Romano Vasquez, John Palma at marami pang iba.
    Si Mercedes na Best Supporting Actress sa nakalipas na 2007 Inbox TV and Radio Festival sa UP para sa pelikulang “Bitin” ng A Good Vibes Productions.
    Si Brillante na isang premyadong filmmaker sa buong mundo.
    Magsasama sila sa dalawang magkahiwalay na proyekto.
    Si Mercedes at Morel ay magkasama sa “Latak,” isang produksyon ng Outline Digital Films tungkol sa isang direktor sa komersyal na nalulong sa droga at nakunan ang kanyang drug withdrawal ng pelikula.
    Si Mercedes at Mendoza naman ay magkasama sa “Servando,” isang proyekto ng Centerstage Productions na tungkol sa pagbibigay-ligaya ng mga masahistang lalaki sa mga bading.
    ***
    “Naku, ang ganda naman ng nangyayari sa career ni Mercedes. Imagine, ang idolo ko na si Brillante ang siyang hahawak sa kanya. Hindi na maabot si Mercedes. Talagang made na siya,” pahayag ni Jowee.
    “Sana, maging big star si Mercedes para naman masulit ang kanyang paghihintay,” sabi ni Morel.
    Maramin armas sa pagganap si Cabral dahil siya ay konektado sa iba’t ibang theater group sa bansa at sa UP.
    Kasama niya sa sining na ito ang kanyang mga kapatid sa kuwadra kay Rey Raña na sina Brew Bondoc, Sharla O’Hara, Mark Jacob, Nik Belmonte, Christian Ylagan at Dana Sarigumba.
    Halos lahat sila ay kasama sa “Latak” at nananabik na sila sa pag-arte sa harap ng kamera.
    Sa UP Fine Arts nagkita-kita ang mga talentong ito na mahuhusay.
    ***
    Si Brillante naman ay impresado agad sa pagganap ni Mercedes sa audition pa lang ng “Servando.”
    Siya Cabral ang gaganap na kasintahan ni Coco Martin sa makasaysayang pelikula mula sa gumawa ng “Masahista,” “Kaleldo,” “Manoro,” “Tirador.” “Pantasya” at marami pang iba magagandang obra.
    Nagustuhan agad ni Mndoza at ng kanyang kasama na si Ferdie Lapuz ang talento ni Mercedes.
    Makakapingkian niya sa mga eksena sina Cherry Pie Picache, Gina Pareño, Dan Alvaro at marami pang iba.

  • Mendoza’s new star signs up with Jowee Morel’s film outf


    When newcomer Mercedes Cabral won the Best Supporting Actress in UP Inbox TV and Radio Award from her outstanding performance in A Good Vibes Productions’ “Bitin” late last year, internationally acclaimed director Brillante Mendoza easily noticed her through the DVD copy of the movie and the photos of the actress shown him.
    Readily, Mercedes bagged one of the most coveted roles in “Servando,” a Centerstage Productions of a story of a young male prostitute who goes to bed with gays for a fee, as Coco Martin’s girlfriend.
    “Hindi ko po inasahan ‘yon. Talagang na-surprise po ako nang sabihin sa akin ng manager ko na si Rei Raña na ipinatawag ako ni Direk Brillante at gusto akong makita nang personal. Right there and then po, napunta sa akin ang role. (I didn’t expect that. I was really surprised when my manager Rei Raña told me I was asked by Director Brillante to see him personally. The role went to me),” said Mercedes, a dusky young woman in her late teens.
    Mercedes’ body of work as an actress would speak for her multifarious talents—a very impressive performance in the critically acclaimed digital film “Baliw”; stage acting for FOV Productions of ex-movie writer Francis O. Villacorta as Saint Scholastica; theater productions at various UP drama groups.
    Right now, she’s enrolled at the UP Fine Arts and is set to graduate in March. “Malaking bagay po na nag-aaral ako sa UP dahil ang ganda ng mga exposure ko sa socio-cultural life. (It’s a big thing to study at UP because my exposure to socio-economic life is very illuminating),” she opined.
    Lady luck seems to work for Mercedes because it’s not only Dante Mendoza who believes in her talent.
    Outline Digital Films producer and director Jowee Morel of “Mga Paru-Parong Rosas,” “Mona Singapore Escort” and “When A Gay Man Loves” also signed her up for the forthcoming movie “Latak” where she plays a very pivotal role as a liberated bisexual woman.
    “Handa na po akong maghubad basta may sense of artistry ang pelikula. Malalaman ko naman po ‘yon dahil Fine Arts student ako. Alam ko po kung kailan pornographic and isang pelikula at kung kailan naman artistic. (I am ready to disrobe as long as there is a sense of artistry. I can discern that because I am a Fine Arts student. I know when a film is pornographic or artistic),” Mercedes exclaimed.
    Together with her fellow artists in Raña’s stable namely Sharla O’Hara, Christian Ylagan, Nik Belmonte, Mark Jacob, Brew Bondoc and Dana Sarigumba and actors MiguelCastro who plays the lead role in the film, Dan Alvaro and Romano Vasquez, Mercedes inked a one-picture contract with Morel.
    “Naniniwala po ako na Direk Jowee will make me a better actress. (I believe in Direk Jowee),” Cabral stressed.

  • Philip Salvador, namamasko

    Phillip Salvador, pinutakti ng namamasko na mga simbolo ng paghihikahos sa showbiz

    ANG isang simbolo at katibayan na naghihirap ang showbiz taliwas sa sinasabi ng mga nagdudunung-dunungan at nambubulag sa tunay na kalagayan ng lipunan kabilang ang lipunan ng showbiz ay ang pagdaraos ng Christmas party ng Actors Guild of the Philippines, Inc. o ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikula at Telebisyon, Ink. kamakailan sa Mowelfund.
    Ang Mowelfund ay ang Movie Workers Welfare Foundation na nangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa sa pelikulang Pilipino at telebisyon.
    Tamang-tama ang lugar na ‘yon sa pagdiriwang ng Kapaskuhan dahil ang showbiz ay repleksyon lang ng paghihikahos ng buong bansa.
    Lalo pang lumulubog ang Pilipinas sa kahirapan at kung hindi kikilos ang mga tao ay lalo pa tayong maghihirap.
    ***
    Kitang-kita ito sa Christmas party ng Actors Guild bagamat sa paimbabaw na pagtingin ay parang sosyalan at makutitap na okasyon pero ang katotohanan ay nagnanaknak na kahirapan.
    Maraming pa-raffle at mga regalo kabilang ang mga bilang na musikal.
    Dumating sina German Moreno at Ramon “Bong” Revilla, Jr. pero sa dinami-dami ng mga bituin sa langit-langitan ng pelikula at telebisyong Filipino ay dalawa lang na malalaking artista ang nandoon bagamat marami ring character actor at stuntman tulad nina Leo Lazaro, Joel Ortega, Bobby Angeles, Bobby Sorio at iba pang kakategorya nila.
    Gayunman, malaking aktor ang presidente ng Actors Guild na si Phillip Salvador kasama ang kanyang mga direktor ng lupon na sina Lyn Madrigal, Amay Bisaya, Gerry Roman at iba pa.
    Nandoon ang iba pang mga extra at mga bituing nagbibigay ningning sa balana.
    ***
    Unemployement ang nangingibabaw na suliranin ng mga artista tulad rin ng maraming populasyon ng Pilipinas.
    Kaya naman walang regular na kita ang mga tulad nila.
    Pumila nga sila sa panghihingi ng aginaldong karamihan ay pera ang nais mula kay Phillip.
    Kahit nga hindi mga artista ay nanghihingi ng pera bilang pamasko kay Salvador at nakakapanindig-balahibo ito sa mga kinauukulan.
    Nandoon ang asawa at balo ni Rudy Manlapaz na walang-wala at nanghihingi ng pamasko.
    Pati ang anak at mga apo ni Bebeng Amurao, dating manager at tagapagbigay ng mga extra sa mga produksyon ay nandoon ay naghahangad na maabutan ni Ipe.
    Nagbigay naman si Salvador kahit na paano sa mga namasko sa kanya bilang aktor at bilang pangulo ng KAPPT.
    Talagang ang hirap-hirap na ng buhay ng mga Filipino sa loob at labas ng showbiz pero parang isinasalalay na lang natin ang pag-ahon natin sa kahirapan sa mga lider ng industriya na may mga pansarili ring mga suliraning pangkabuhayan kaya kailangang tulungan din ang kanilang mga sarili.
    Bakit hindi natin piliin nang mabuti ang mga namamalakad ng buhay natin tulad ng mga pulitika na ugat din ng pagyaman at paghirap nating mga Filipino dahil magkakaugnay nga ang mga buhay ng lahat ng tao sa lahat ng sangay ng lipunan sa bansang Pilipinas.
    Marami pang kailangang alisin ang mga Filipino na maling ugali para umasenso sa kanyang sariling bayan at kami man ay ito ang tinutunggali sa buhay.

  • Krista, na-miss sa 2009 Metro Manila Film Festival Parade

    Krista, na-miss sa 2009 Metro Manila Film Festival Parade of Stars

    SA lahat ng mga artistang kasama sa mga pelikula ng 2009 Metro Manila Film Festival Philippines ay tanging si Krista Ranillo ang hinanap-hanap ng mga tao.
    Ito ay dahil sa siya bukod sa maganda na ay kontrobersyal pa at iniuugnay kay Manny Pacquiao.
    Nais ng publiko na malaman ang reaksyon ni Krista pag sila ay magkasama sa piling ng isa’t isa, halimbawa’y sa karosa kung saan nakalaan ito para sa kanilang pelikulang “Wapakman” ng Solar Entertainment ni Wilson Tieng.
    Pero natapos at natapos ang parada ay ni anino ni Ranillo ay hindi namulatawan.
    Gusto pa naman ng balanang makita kung paano asikasuhin ni Manny ang isa sa kanyang mga leading lady sa proyekto na idinirehe ni Topel Lee.
    ***
    Pero nabigo nga ang maraming Filipino na maramdaman o mapatunayan ang tunay na kaganapan kina Krista at Manny na talagang pinag-uusapan sa buong mundo.
    Ayon kay Wilson, nasa Mindanao si Ranillo sa panahong nagpaparada ang 2009 MMFFP mula sa Mall of Asia hanggang sa Quirino Grandstand sa Luneta.
    Pero nang nasa may Cultural Center of the Philippines na ang prusisyon ng mga karosa ay bumaba na si Pacquiao para humabol sa kanyang eroplano patungong Mindanao.
    Sa Mindanao rin ang punta ni Manny?
    Pareho silang pa-Mindanao ni Krista?
    Ano ba ‘yan?
    Si Pacquiao ay papuntang General Santos City kung saan siya nag-Pasko samantalang ang pamilya Ranillo ay tubo ring Zamboanga del Norte sa Mindanao.
    ***
    “And tonight, Krista is flying off to the States to celebrate Christmas with her family,” pahayag ni Tieng na ang winiwika ay sa gabi o bisperas ng Pasko ay palipad patungong US ang aktres para makasama ang kanyang mga magulang na sina Mat Ranillo III at Lynda Tupaz.
    Hindi na talaga mapigil ang pagsikat ni Krista at pamamayagpag bilang bituin.
    May hitsura naman kasi siya at mahusay pang umarte kaya naman hindi kataka-takang pumailanglang sa langit-langitan ng pelikula at telebisyong Pilipino.
    Sana nga ay kumita ang “Wapakman.”
    Sinabi ni Wilson na hindi siya naniniwalang may relasyong romantiko sina Manny at Krista.
    “I don’t think so. Jinkee and Manny Pacquiao are very much on,” katwiran ni Tieng.
    Pero natutuwa naman ang prodyuser sa intrigang ito dahil napapag-usapan ang kanyang pelikula.
    Hindi nga naman nahihirapan ang produksyon na ibenta ang produkto dahil sa mga balitang nakakaintriga .

  • Kapwa nasa Mindanao sina Krista Ranillo at Manny Pacquiao

    Kapwa nasa Mindanao sina Krista Ranillo at Manny Pacquiao nang Kapaskuhan

    Hinanap-hanap ng publiko si Krista Ranillo sa Parade of Stars ng 2009 Metro Manila Film Festival Philippines mula sa Mall of Asia hanggang sa Quirino Grandstand sa Luneta.
    Nakatakdang sumama si Krista sa karosa ng pelikulang “Wapakman” ng Solar Entertainment pero natapos at natapos ang parada ay hindi nasilayan kahit na ang anino ng aktres.
    Ayon kay Wilson Tieng, ang prodyuser ng obra ni Topel Lee, natungo sa Mindanao si Ranillo ilang araw bago ang bisperas ng Pasko.
    Sumakay sa float ng pelikula si Manny Pacquiao, ang bida mula sa MOA pero nang nasa may Cultural Center of the Philippines na ay bumaba na siya sa sasakyang inadornohan ng mga pulang banderitas.
    Hahabol sa flight ng eroplano patungong Mindanao si Pacquiao.
    Kung gayon ay pareho ang destinasyon ng dalawang bituin na pinaghihinalaang may relasyong romantiko.
    ***
    Si Manny ay nagmamadali para makahabol siya sa Noche Buena sa kanyang tahanan sa General Santos City samantalang si Krista ay nagmula ang angkan sa Zamboanga del Norte.
    Sinabi ni Wilson na pagkagaling sa Mindanao ay lilipad naman patungong Estados Unidos si Ranillo upang doon mag-Pasko kasama ang kanyang mga magulang na sina Mat Ranillo III at Lynda Tupaz.
    Ayon kay Tieng, nakakatulong sa kanya ang mga nakakakiliting balitang ito tungkol kina Pacquiao at Ranillo pero hindi siya naniniwalang may espesyal na ugnayan ang dalawa.
    “I don’t think so. Jinkee and Manny are very much in love,” katwiran ni Wilson.
    ***
    Sa parada pa rin.
    Hindi na bumaba sa karosa si Dolphy para mainterbyu nina German Moreno, Candy Pangilinan at Jodi Sta. Maria sa entablado sa Luneta Grandstand.
    Pagod na pagod na kasi si Mang Dolphy at nakababad siya sa ilalim ng init ng araw sa mahaba at mabagal na pag-usad ng takbo ng trapiko sa parada.
    Gayunman, sina Eric Quizon at Edie Garcia ay aktibung-aktibo sa pagtitinda ng “Nobody, Nobody but Juan” ng RVQ Productions.
    Bumaba na rin sa kani-kanilang float nang malayu-layo pa sa Luneta ang dalawang Ruffa, sina Rufa Mae Quinto na tampok sa “Wapakman” at Ruffa Gutierrez na bituin ng “Shake, Rattle & Roll” ng Regal Entertainment dahil may mga lakad pa silang hindi dapat palagpasin.
    ***
    Kahit kamamatay lang ng kanyang tagapag-alaga sapol nang siya ay sanggol pa, nakilahok sa parade si Sharon Cuneta kahit na may trahedya sa kamatayan ng kanyang Yaya Loreng.
    Bida si Sharon sa “Mano Po 6 A Mother’s Love” ng Regal Films.
    Si Ramon “Bong” Revilla, Jr. ay guwapung-guwapo at machung-macho sa kanyang kasuotang pam-Panday at ang buong cast ng “Ang Panday” ay presente sa okasyon.
    Hindi nagpahuli si Phillip Salvador kahit kontrabida ang kanyang papel sa pelikula.
    At kahit hindi kasama si Ronnie Ricketts sa film fest, nasa tanghalan siya dahil sa pagtataguyod sa kontra-piracy na kilusan ng Optical Media Board.
    Mahigpit ang sekuridad sa mga bituin ng “I Love You, Goodbye” ng Star Cinema na kinabibilangan nina Gabby Concepcion, Derek Ramsey, Angelica Panganiban at Kim Chiu.
    Ang karosa ng “Ang Darling Kong Aswang” ng OctoArts Films ang nauna sa pila ng parada.
    Sinabi naman ni Dennis Trillo ng “Mano Po 6” na tigilan na ang mga text message controversy sa pagitan nina Cristine Reyes at Heart Evangelista.

  • BILANG BAGUHAN, MAHUSAY NA DIREKTOR SI JOWEE MOREL SA LATAK

    BOMBA BALITA (MARTES NOV 24, 2009)
    Arthur Quinto

    psychological gay drama ang "Latak" mula sa panulat at direksyon ni Jowee Morel. Istorya ni Andrew Locsin ( Marc Jacob ) isang advertising employee na masyadong dinamdam ang pagkawala sa kanya ng lover niyang si Paul (Zach Urdaneta). Kaibigan ni Andrew Locsin ang lesbian lovers na sina Jane (Chanel Latorre) at Rhonda (Mercedes Cabral). Minsan, nahuli ni Andrew na nakipagkangkangan si Paul kay Rhonda at ibibulgar niya ito kay Jane na nagalit pero hindi naman nagtaka dahil bisexual daw si Rhonda. Pero sapantaha lang 'yon ni Andrew. Posibleng lalake rin ang pinatulan ng boyfriend niya dahil bakla rin ito. Dinamdam masyado ni Andrew ang pagkawala ni Paul kaya lalo siyang nagumon sa droga. Nang hindi na niya ito makayanan, uminom siya ng sobrang sleeping pills. Na-overdose siya. Kahit mga baguhan ang mga nagsipagganap, mahuhusay silang lahat, lalo na si Marc Jacob na intruding sa pelikulang ito (na may English tittle na Residue) dahil parang matagal na siyang artista. Kahit nakikipag-usap lang siya sa psychologist na ginampanan ni Boy Villasanta, magaling siyang mag-emote, Game din siya sa hubaran dahil ilang beses siyang naghubo't hubad dito. Magaling na director si Jowee Morel dahil napa-arte niyang mabuti ang kanyang mga artista. Para sa iba, nalilito sila sa pelikulang ito lalo na sa mga habaging nagha-hallucinate at napa-paranoid ang bida sa istorya. Isang nakakalokang eksena nang pag-admit ni Charlotte (Pia Millado) na natanggap niya ang info paper ni Andrew para sa boss nila pero nang magkaharap na silang tatlo ng boss nila, bigla niyang hindi ito inamin. 'Yon pala, hallucination ang umiiral kay Andrew. Iba pa rin ito sa mga nakikita niyang buntis na babae at batang babaeng umiiyak. Mahirap talagang gumawa ng isang psychological film, lalo na kung ang mga eksena ay naglalaro sa utak ng major character. Kaya nga hanggang ngayon, hindi maisalin sa pelikula ang nabelang " A Catcher in the Rye" ni JD Salinger dahil hindi macapture ang iniisip ng bida rito. Pero nakapag-attemt si Morel at dapat lang siya ditong parihin.

1 2 3