http://netlog.com/babysadistazamn mendozamendozazamnbabysadistahttp://en.netlogstatic.com/p/tt/018/785/18785880.jpgPhilippinesQuezon babysadista's profile page

babysadista

female - 20 years, Quezon, Philippines


Blog / an unspoken feeling....

Sunday, 9 November 2008 at 00:01



My Friend…

Paano ko sasambitin,
Ang mga katagang nagtatakasan sa aking damdamin;
Mga damdaming itinulos sa kadawagang may hain ,
Paraiso kaya o buwitreng nais akong lapain?

Paano ko aaminin sa iyo,
Ang damdaming lumulukob dito?
Paano ko sasabihin ang lahat,
Sa paraang matatanggap mo?

Alin ang dapat na panghinayangan?
Alin ang dapat na ipaglaban?
Ang isang magandang samahan,
O pag-ibig na walang kasiguraduhan?

Kung sa bawat araw na ika’y kasama,
Sa pakpak ng paro-paro’y may pilak na saya;
Natatakot ako ng sobra-sobra,
Ayokong datnan ang bukas na wala ka na.

Matatalikuran ko kayang lahat,
Ang laksang bituing nasipagtunghay sa mga ulap;
Text messages mong magdamag na niyayakap,
Pagsundo’t hatid sa mga luhang nanunulay, naglalandas.

Basketball ma may kiss sabay hug, malapot-lapot,
Roadtrip tapos biglang may gugulat na fireworks;
Toyomansi’t sweet ‘n chili sauce sa berdeng kanin, no free soup,
Mga pinagsamahang ang hantungay sa sementeryo sa laot.

Kapag sinasabi ko sayong, I love you,
Dagli ang pagtugon mo ng, I love you too.
Himihimig ang mga anghel habang nagdurugo ang puso ko,
My friend mahal na kita subalit kaibigan mo lang naman ako.

Bakit kayhirap umibig sa isang kaibigan?
Inaabot ko’y langit habang niyayakap ang karimlan.
Tahimik ang paninibugho’t nasasaktan ng walang karapatan,
Patuloy na nasasakatan ng hindi mo namamalayan.

Hindi ko sinadyang maramdaman ito,
Itinago, pinigilan, at sinariling totoo.
Sapagkat napagtatanto kong ang babaeng laman ng puso mo’y,
Isa ring matalik na kaibigan ko.

Sadya nga bang kay pait ng bawat katotohanan?
Libong punyal na itinarak sa dib-dib kong tunay,
Sa tuwing binabanggit mo ang kanyang ngalan;
Namamatay ako ng paulit-ulit, ng dahan-dahan….

I made this poem specially for my friend…
:)


Your rating: 0
no rating
RSS feed

Comments 1

  • http://netlog.com/babysadistazamn mendozamendozazamnbabysadistahttp://en.netlogstatic.com/p/tt/018/785/18785880.jpgPhilippinesQuezon babysadista 20

    zamn mendoza (Sunday, 9 November 2008 at 00:03)

    its hard to hide, but hard to say...
    to fall in love with my friend...

Post a comment:

You need to be logged in to post a comment.